COVID-19 vaccine ng AstraZeneca, bibigyan na ng Emergency Use Authority ng FDA

Bibigyan na ng Food and Drug Administration (FDA) ng Emergency Use Authority (EUA) ang COVID-19 vaccine ng kumpanyang AstraZeneca.

Sa Laging Handa briefing, kinumpirma ni FDA Director General Dr. Eric Domingo na naabot ng British pharmaceutical firm ang mga kondisyon para sa pagbibigay ng EUA.

Ayon kay Domingo, base sa mga ebidensya sa isinagawang clinical trials ng Oxford University sa first dose, 70 percent na epektibo kontra COVID-19 ang bakuna ng AstraZeneca.


Ang AstraZeneca ang ikalawang nabigyan ng EUA ng Pilipinas kung saan ang una rito ay ang Pfizer-BioNtech.

Facebook Comments