COVID-19 vaccine ng kumpanyang AstraZeneca, walang kaugnayan sa pagkamatay ng 8 indibidwal sa South Korea

Pinatunayan ng health officials ng South Korea na walang kaugnayan sa pagkamatay ng 8 indibidwal ang ibinigay na COVID-19 vaccines mula sa kompanyang AstraZeneca.

Ayon kay Korea Disease Control and Prevention Agency (KDCA) Director Jeong Eun-Kyeong, mayroon nang naaunang kondisyon ang mga nasawi na posibleng dahilan ng kanilang pagkamatay,

Aniya, wala rin sa mga ito ang nagpakita ng allergic reactions matapos mabigyan ng bakuna.


Sa ngayon, ipinagpatuloy ng pamahalaan ng nasabing bansa ang pagmamahagi ng COVID-19 vaccines hindi lamang sa kanilang mga residente kundi pati na rin sa halos 100,000 foreign workers.

Facebook Comments