8 sa kada 10 kumpanya sa bansa, inaasahang tataasan ang sahod ng kanilang mga empleyado ngayong taon

Tinatayang 8 sa 10 kumpanya sa bansa ang inaasahang magtataas ng sahod ngayong taon.

Batay sa pinakahuling Budget Planning Survey Report ng Willis Towers Watson, 82.4% sa mga kompanya ang nagsabing magtataas ng sahod para magbigay pagasa sa kanilang mga empleyado sa gitna ng nagpapatuloy na pandemya.

Bumaba rin ang bilang ng mga kumpanyang nagbaba ng sahod kung saan umabot lamang ito ng 5.5% noong 2020 kumpara sa 6% noong taong 2019.


Facebook Comments