Umaasa ang World Health Organization (WHO) na magkaroon na ng bakuna laban sa COVID-19 sa katapusan ng taon.
Para kay WHO Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus, ‘a very promising one’ ang bakunang dine-develop ng Pfizer.
Pero iginiit ni Ghebreyesus na kailangang panatilihin ang mga bakuna sa mga pasilidad na malamig ang temperatura na mahahalintulad sa Antartic winter o katumbas ng -70 degrees Celcius para hindi mawala ang bisa nito.
Nakikita niya na magiging problema ito sa mga bansa sa Asya at Africa kung saan mainit ang klima.
Muli ring inulit ng WHO official ang panawagan ng United Nations na magkaroon ng patas na distribusyon ng bakuna kapag ito ay naging available.
Facebook Comments