Driver at vendor, huli sa paglalaro ng ilegal na sugal sa Pasig City

30

Hinuli ng mga tauhan ng Pasig City Police Station Sub Station 3 ang dalawang lalaki matapos maaktuhang naglalaro na cara y cruz kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga ito na sina Joseph Torio, 41-anyos, isang driver at Jonathan Pilueta, 34-anyos, isang vendor.


Sa ulat ng Pasig Philippine National Police (PNP), nahuli sa akto ang dalawang ito naglalaro ng cara y cruz sa Manuel Sr. Street, Brgy. Bambang, Pasig City matapos na isumbong sa kanila.

Hindi na nakapalag pa ang dalawa at agad na pinosasan habang nakatakas naman sa iba’t ibang direksyon ang iba nilang kasamahang sugarol.

Narekober sa kanila ang tatlong piraso ng peso coins na ginagamit na bet money na nagkakahalaga ng P500.

Nang kapkapan pa ng mga pulis ang dalawa, nakuha ang nasa 25 gramo ng shabu na may halagang Php 1,700.




Sa ngayon ay nahaharap na ang dalawa sa kaso habang patuloy na hinahanap ng mga pulis ang mga nakatakas nilang kasamahan.

Facebook Comments