Posibleng sa second quarter pa ng 2021 magiging available sa Pilipinas ang COVID-19 vaccine.
Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary Rowena Guevarra, sa fourth quarter pa lang ng 2020 kasi magsisimula ang clinical trial sa bansa.
Paliwanag ni Dr. Jaime Montoya, Executive Director ng DOST-Philippine Council for Health Research Development, dedepende sa timeline ng developer ng bakuna ang magiging availability nito.
Magsisimula aniya ang timeline ng bakuna oras na maaprubahan ito ng bansang nag-develop dito.
Bukod sa Russia, nakikipag-usap din ang Pilipinas sa 16 pang vaccine manufacturer sa buong mundo.
Samantala, tiniyak ni Montoya na makakatanggap ng bayad, pagkain at transportasyon ang mga pasyenteng sasali sa clinical trial ng mga bakuna laban sa COVID-19, pero hindi puwedeng magbigay ng malaking halaga dahil baka maabuso ito.