Pinangunahan ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos ang COVID-19 vaccine rollout para sa kanilang mga manggagawa.
Unang mga naturukan ng bakuna ay ang mga empleyado ng MMDA na kabilang medical frontliners, senior citizens, and persons with comorbidities.
Ayon kay Abalos, target nilang mabakunahan ang mahigit 200 na empleyado ng MMDA na kabilang sa priority list group, alinsunod na rin sa guidelines ng COVID-19 vaccination program na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force o Emerging Infectious Disease (IATF-EID) at ng Department of Health (DOH).
Aniya, mula nang magsimula ang COVID-19 sa bansa, malaki aniya ang naging papel ng MMDA sa pagtulong sa nasyonal na pamahalaan upang mapapababa at mapigilan ang pagkalat ng virus.
Batay sa tala ng MMDA, sa 8,000 employees ng ahensya, 771 nito ay nagpositibo sa COVID-19, kung saan 100 sa kanila ay mga active cases habang walo naman ang nasawi.
Tiniyak naman ni Abalos na kahit may bakuna na patuloy pa rin nilang ipatutupad ang mga basic health protocols tulad pagsusuot ng face shield at face masks, maintaining physical distancing, at checking ng body temperatures upang masiguro na ligtas ang lahat laban sa COVID-19.