COVID-19 vaccine shortage, posibleng mangyari sa una o ikalawang kwarter ng 2021- Galvez

Posibleng magkulang ang COVID-19 vaccine supply sa Pilipinas sa una at ikalawang kwarter ng taon.

Sa pulong-balitaan kasama si Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na karamihan sa mga bakuna ay ginagamit na ng Europe at Estados Unidos.

Pero tiwala si Galvez na magkakaroon ng sapat na supply ng bakuna ang bansa para sa taong ito para makamit ang immunization program ng pamahalaan.


Nabatid na target ng pamahalaan na mabakunahan ang nasa 50 hanggang 70 million individuals sa taong ito.

Nasa ₱73.2 billion ang pondo ng gobyerno sa pagbili ng bakuna na magmumula sa multilateral agencies, domestic sources at bilateral agreements.

Facebook Comments