Tiniyak ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na nakakuha ang pamahalaan ng ‘best prices’ para sa COVID-19 vaccines mula sa iba’t ibang manufacturers.
Ayon kay Galvez, ang lahat ng negotiation terms ay beneficial para sa bansa.
Imposible rin aniyang magkaroon ng korapsyon dahil ang World Bank at Asian Development Bank ang mangangasiwa ng payments.
Iginiit din ni Galvez na lumagda ang gobyerno ng non-disclosure agreement sa vaccine manufacturers kaya hindi maaaring ilahad ang presyo ng mga bakuna.
Itinanggi rin ni Galvez na ang Sinovac vaccines ay nagkakahalaga ng $36 o ₱1,730 o kaya naman ay $76.5 o ₱3,652.
Una nang iginiit ni Galvez na ang lahat ng vaccine deals ay patas at nasasaktan siya kapag sinasabi ng publiko na ang lahat ng government officials ay corrupt gayung may mga tapat pa ring naglilingkod