COVID-19 vaccines, dadaan sa mahigpit na approval process – Nograles

Tiniyak ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ang publiko na mahigpit na sinusuri ng pamahalaan ang mga COVID-19 vaccines para matiyak na ligtas at mabisa ito bago isagawa ang immunization program.

Ayon kay Nograles, gagamitin ng gobyerno ang pamantayan ng ibang mga bansa sa pagsusuri ng lahat ng COVID-19 vaccines.

Bago dumaan ang bakuna sa Food and Drug Administration (FDA), bubusisiin ito ng Vaccine Expert Panel.


Nire-require din ang FDA ang mga pharmaceutical companies na magsumite Emergency Use Authorizations (EUAs) mula sa ibang bansa.

Kapag naisyuhan na ng EUA, mahigpit silang babantayan ng gobyerno sa paamagitan ng Adverse Effect Following Immunization Committee para matiyak na ligtas at epektibo.

Sa Pilipinas, nakapag-isyu na ng EUA sa Pfizer at AstraZeneca.

Ang Sinoval at Gamaleya ay nag-a-apply pa para sa EUA.

Facebook Comments