Gagawing prayoridad sa supply ng COVID-19 vaccines ang mga lugar na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, mas maraming bakuna ang i-de-deploy sa mga lugar na ito dahil na rin sa dami ng kaso ng COVID-19.
Kagabi ay inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong quarantine classification sa buong bansa.
Pasok sa MECQ ang mga lugar ng Santiago City, Cagayan, Apayao, Ifugao, Bataan, Lucena City, Puerto Princesa, Naga City, Iloilo City at Iloilo province, Negros Oriental, Zamboanga City, Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Sur at Zamboanga del Norte, Cagayan de Oro, Davao City, Butuan City, Agusan del Sur, Dinagat islands at Surigao del Sur.
Habang ang Metro Manila naman at iba pang kalapit na probinsya ay inilagay sa general community quarantine with restictions mula June 16- June 30, 2021.