Tiniyak ng vaccines experts panel na ang lahat ng COVID-19 vaccines na available sa Pilipinas ay kayang protektahan ang mga tao sa anumang malalang uri ng COVID-19, maging sa variants.
Ayon kay VEP Chairperson Dr. Nina Gloriani, hindi pa rin nila inirerekomenda sa mga fully vaccinated individuals na magpaturok ng booster shots sa harap ng banta ng Delta variant.
Aniya, nananatiling limitado ang supply ng COVID-19 vaccines sa bansa.
Mahalaga pa ring sundin ang health protocols at paigtingin ng pamahalaan ang vaccination efforts.
Ang Delta variant ay itinuturing na “problematic” dahil mataas ang transmissibility nito at mataas ang resistance sa mga bakuna.
Facebook Comments