Kasalukuyang nakikipag-negosasyon ang Pilipinas sa mga manufacturer ng COVID-19 vaccines para sa mas murang presyo nito.
Ito ang inihayag ni Vaccine Czar at National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez jr.
Ayon kay Galvez, tinitiyak niyang hindi magiging magkalayo ang presyo ng mga bakunang bibilhin ng Pilipinas kumpara sa mga kapitbahay na bansa.
Pero sa ngayon aniya ay hindi pa pwedeng sabihin ang mga napag-usapang presyo dahil hindi pa naman tapos ang kanilang negosasyon.
Pagtitiyak din ni Galvez, ang mga bakunang ipo-procure ng gobyerno ay mayroong transparent na dokumentasyon lalo na’t popondohan ito sa pamamagitan ng multilateral arrangements kasama ng Asian Development Bank at World Bank.
Facebook Comments