Pagsusumite ng COVID-19 Vaccination Registration Form ng Medical Frontliners sa Navotas City, hanggang January 20 na lang ayon sa LGU

55

Inobliga na ng Navotas City Government ang lahat ng kanilang Medical Frontliners na magsumite na ng kanilang COVID 19 Vaccination Registration Form .

Ayon kay Mayor Toby Tiangco hanggang sa Enero 20 na lang ang deadline ng submission ng Form para maisama sila sa Master List na prayoridad na mabigyan ng COVID-19 vaccine.


Nilinaw ng alkalde na para ito sa lahat ng medical workers na nagtatrabaho sa lungsod, residente man o hindi.

Kailangan lamang nilang mag fill up ng Form Online o gumamit ng QR Code na ipapasa sa Navotas City Health Department.

Dagdag pa ni Mayor Tiangco, ang City Health Department na ang magbibigay nito sa Department of Health para maisama sa Priority Listing.

Facebook Comments