COVID-19 vaccines na binawi mula Bicol, magagamit pa rin – DOH

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na ang 7,500 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccines na binawi mula sa Bicol Region ay maaari pa ring magamit.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nananatili pa rin ang bisa ng mga bakuna at nagkaroon lamang ng temperature issues.

Agad na humingi ng tulong ang DOH sa World Health Organization (WHO) at sa United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF) para suriin muli ang mga bakuna.


Una nang tiniyak ng DOH na ang lahat ng devices at equipment na ginagamit para sa COVID-19 vaccine logistics at storage management ay gumagana.

Facebook Comments