COVID-19 vaccines na isasalang sa Solidarity Trial sa Pilipinas, malalaman ngayong linggo – DOST

Nakatakdang i-anunsyo ngayong linggo ang mga potensyal na bakuna laban sa COVID-19 na isasailalim sa Solidarity Trials ng World Health Organization (WHO) na isusubok sa Pilipinas.

Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Vaccine Expert Panel Council Chairperson Dr. Nina Gloriani, pinag-uusapan pa kung gaano karaming participants ang maaaring lumahok sa trials.

Ang initial participating sites ay mula sa mga lugar na may mataas na transmission ng COVID-19 gaya ng Metro Manila, CALABARZON at Cordillera Administrative Region.


Ipaprayoridad sa WHO Solidarity Trials ang age group na may edad 18 hanggang 59 years old at mga kabilang sa high risk groups tulad ng healthcare workers, frontliners at contacts ng mga infected patients.

Aabutin naman ng tatlo hanggang anim na buwan ang evaluation sa efficacy o bisa ng bakuna.

Nasa 14 na ospital ang naka-enroll sa clinical trials kabilang ang sumusunod:

1. Philippine General Hospital (lead hospital)
2. Research Institute of Tropical Medicine
3. Manila Doctor’s Hospital
4. San Lazaro Hospital
5. St. Lukes Medical Center – Quezon City
6. St. Lukes Medical Center – Bonifacio Global City
7. Lung Center of the Philippines
8. The Medical City
9. Makati Medical Center
10. De La Salle Medical Center – Cavite
11. Vicente Sotto Memorial Medical Center – Cebu City
12. Southern Philippines Medical Center – Davao City
13. Baguio General Hospital and Medical Center
14. Western Visayas Medical Center – Iloilo City

Una nang sinabi ni Gloriani na posibleng simulan ang solidarity trials sa Enero 2021.

Facebook Comments