Upang matiyak na walang masasayang na COVID-19 vaccine ang Pilipinas, iminungkahi ni Senator Imee Marcos na i-share o ibigay muna natin ang sobrang suplay ng ating bakuna sa ibang bansa na ngayon ay naghihintay pa sa delivery ng kanilang bakuna.
Ayon kay Marcos, bilang kapalit ay sa atin na ibibigay ng mga kinauukulang bansa ang COVID-19 vaccines na ide-deliver sa kanila.
Sinabi ni Senator Marcos na maaaring hilingin ng ating gobyerno sa pharmaceutical companies na palitan ito ng mga bagong stock.
Inihalimbawa ni Marcos ang Pfizer na may idinagdag sa kanilang bakuna para mas tumagal ang buhay at maaaring ilagay lang sa refrigerator.
Ang suhestyon ni Marcos ay tugon sa 27 million doses ng COVID-19 vaccine na mayroon tayo at inaasahang mag expire sa loob ng susunod na tatlong buwan.