COVID-19 vaccines na naiturok sa Pilipinas, umabot na sa 1.8 million – NTF

Aabot na sa 1,809,801 doses ng COVID-19 vaccines ang naiturok ng pamahalaan sa halos dalawang buwan mula nang mag-umpisa ang vaccination rollout sa Pilipinas.

Sa inilabas na datos ng National Task Force Against COVID-19 at Department of Health (DOH) hanggang April 27, ang 88% o 1,562,815 mula sa 1,780,400 doses ang naiturok bilang first dose.

Habang 14% o 246,986 ang nabakuna na bilang second dose.


Sa ngayon, nasa 3,525,600 ang naitalang COVID-19 vaccine doses na hawak ng bansa.

Sa nasabing bilang, 3,025,600 doses o 86% nito ang naibigay na sa 3,415 vaccination sites sa bansa.

Nakasaad din sa datos na nasa 35,320 ang 7-day average ng daily vaccinated individuals.

Facebook Comments