COVID-19 vaccines ng Pfizer-BioNTech, pwede nang iturok sa mga edad 12 to 15 sa US

Pinayagan na ng US Food and Drug Administration (FDA) ang paggamit ng COVID-19 vaccines ng Pfizer at BioNTech sa mga batang edad 12 hanggang 15 taong gulang.

Ito ang kauna-unahang bakuna na inaprubahan sa Estados Unidos para sa nasabing age group.

Una nang pinayagan ang paggamit nito sa mga edad 16 sa ilalim ng Emergency Use Authorization (EUA).


Samantala, pinaluwag na rin ng US State Department ang travel advisories nito sa UK at Israel

Facebook Comments