COVID-19 vaccines, posibleng dumating na sa Pilipinas sa susunod na buwan – DOH

Inaasahang darating na sa Pilipinas ang mga bakuna laban sa COVID-19 sa buwan ng Pebrero.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mismong si Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. ang nagsabing darating na ang vaccine deliveries sa susunod na buwan.

Ang mga bakuna ng Pfizer at Moderna ay inaasahang darating sa kalagitnaan ng 2021.


Magbibigay ng karagdagang detalye si Galvez hinggil sa mga bakuna sa gagawing press conference ngayong araw.

Samantala, ang DOH ay maglulunsad ng information campaign para sa COVID-19 vaccine at ipaalam sa publiko ang kahalagahan ng pagpapabakuna.

Sisimulan nila ito sa pamamagitan ng town hall kasama ang mga doktor at health experts habang inihahanda ang mga materyales na ibibigay sa publiko.

Facebook Comments