COVID-19 vaccines, sasailalim sa masusing evaluation – DOH

Muling tiniyak ng Department of Health (DOH) na ang lahat ng COVID-19 potential vaccines na papasok sa Pilipinas ay dadaan sa mahigpit at masusing regulatory process para matiyak na ligtas at mabisa ito.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang lahat ng bakunang papasok sa bansa ay kailangang dumaan sa evaluation.

Nakiusap si Vergeire sa publiko na magtiwala sa proseso ng pamahalaan hinggil sa COVID vaccines.


Kaugnay nito, sinabi ni Vergeire na ang American Biotech Company na Moderna ay walang planong magsagawa ng clinical trial sa Pilipinas para sa kanilang COVID-19 vaccines.

Pero nilinaw niya na nais ng Moderna na pumasok sa vaccine procurement.

Iginiit naman ng DOH na nais nila sa Moderna na magsagawa ng trials sa bansa para malaman kung epektibo ang kanilang candidate vaccine.

Patuloy namang nire-review ang application ng Sinovac Biotech ng China para sa pagsasagawa ng clinical trials sa Pilipinas.

Ang Sinovac ay pumasa na sa evaluation ng vaccines experts panel ng Department of Science and Technology (DOST).

Facebook Comments