Isa sa mga posibleng dahilan ng pagtaas ng mga kaso sa Visayas at Mindanao ay ang mga COVID-19 variant.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, totoong may na-detect na “divers of infection” sa Visayas at Mindanao.
Gayunman, maaari aniyang may iba pang dahilan sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa nasabing mga rehiyon.
Sabi pa ni Vergeire, may mga tao rin na naging kampante at hindi nakakasunod sa minimum health standard at nagkaroon na ng clustering sa mga work places at mga bilangguan.
Dahil dito, kailangan aniyang tugunan ang COVID-19 variant para hindi na ito kumalat pa at paigtingin pa ang pagpapatupad ng health protocol.
Facebook Comments