Cauayan City, Isabela- Kumpirmadong COVID-19 virus ang dahilan ng ikinamatay ng tatlong mga frontline health workers na una nang nabakunahan kontra virus.
Ito ang lumabas sa isinagawang pagsisiyasat ng Regional Adverse Event Following Immunization Committee kaugnay na nangyaring pagkasawi ng 2 health workers mula sa bayan ng San Mateo,Isabela at sa Admin Officer ng GFNDy Sr. Hospital ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela.
Ayon kay Joyce Maquera,Operations Head ng Vaccination Program ng DOH Region 2,may mga commordibities ang mga ito ng maturukan ng unang dose ng Sinovac at nakapitan din sila ng Covid 19 Virus matapos mabakunahan.
Ayon pa sa kanyang paliwanag sa isinagawang Press briefing ng Cagayan Valley Center for Health and Development hindi pa rin garantiya na ligtas sa virus ang sinuman kung ito’y nabakunahan na kontra covid bagkus ay makakadagdag lang ito ng depensa sa isang indibiwal upang hindi maging malala ang epekto ng covid 19 virus sa isang tao kung ito’y makapitan.
Paliwanag pa ng opisyal na sa lahat ng nabakuhan kontra Covid na may kabuuang bilang na mahigit 24 na libong indibidwal sa buong region 2 ay nakapagtala ng 20 indibidwal na nakaranas ng hindi magandang epekto ng bakuna sa kanilang katawan.
Sa kabuuan aniya ay mayroong isang kaso na hindi pa matukoy kung ano ang sanhi ng pagkamatay nito na maaring dahil sa bakuna o dahil sa covid 19. Kanila na ito umanong ipinarating at ipinasakamay sa national head office para sa mas malalim na pagsisiyasat hinggil sa tunay na dahilan pagkamatay ng natural frontliner.