COVID-19 ward ng PGH, punuan na rin; 200 pasyente, naghihintay na makapasok sa ospital

Kinumpirma ng Philippine General Hospital (PGH) na punuan na rin ang kanilang mga wards para sa mga pasyente ng COVID-19.

Ayon kay PGH Spokesperson Dr. Jonas Del Rosario, mayroon na silang 320 COVID beds para sa COVID-19 patients kung saan, 310 ang mga pasyente na nasa ospital, at 40 pasyente sa emergency room na naghihintay na makapasok.

Maliban sa mga ito, mayroon ding halos 200 pang infected individuals ang naghihintay ng admission sa isa sa major referral facilities ng bansa.


Aminado naman si Del Rosario na imposibleng ma-admit ang lahat na mga pasyenteng ito na nasa waitlist, lalo’t maraming mga COVID-19 patients ang kasalukuyang naka-admit na severe hanggang critical cases.

Facebook Comments