Quarantine measures ng pamahalaan, pinapaalis ng lady solons

155

Nanawagan sa Inter-Agency Task Force (IATF) at sa punong-ehekutibo sina Marikina Representative Stella Quimbo at AAMBIS-OWA Party-list Rep. Sharon Garin na alisin na ang quarantine measures na ipinatutupad bunsod ng COVID-19.

Sa ilalim ng resolusyon, nakasaad na dapat nang buksan ang ekonomiya sa pamamagitan ng pagpapatupad ng granular lockdown, bakuna bubbles at business bubbles.


Binigyang diin naman ni Quimbo na recalibrated approach ang tutugon sa layuning pangkalusugan at pang-ekonomiya ngayong panahon ng pandemya.

Kailangan kasi ng magkahalong mga polisiya gaya ng vaccination, granular lockdown, bakuna bubbles, business bubbles, ayuda, hospital referral system, sapat na bilang ng healthcare workers at maayos na kompensasyon sa kanila.

Facebook Comments