COVID-9 Quarantine Facility, itinayo ng Philippine Navy sa kanilang Navy station sa Taguig

Dahil na rin sa dumaraming bilang ng Person Under Investigation at Person Under Monitoring dahil sa COVID-19, nagtayo na rin ang Philippine Navy ng Emergency Quarantine Facilities (EQF) sa kanilang Naval Station sa Taguig City.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Lt. Commander Maria Christina Roxas, ginawa ang EQF sa training center ng Naval Combat Engineering Brigade sa Taguig.

Prayoridad ng itinayong EQF ay ang mga sailors at marines na nagmamando sa mga iba’t ibang Quarantine Assistance Stations sa National Capital Region.


Kinakailangan kasing sumailalim sila sa quarantine kung nakararanas ng sintomas ng COVID-19.

Kung kinakailangan naman, magtatayo rin ang Philippine Navy ng EQF para magamit ng mga sibilyang PUM at PUI.

Sinabi pa ni Roxas, maging ang ibat ibang military facilities ay inatasan na rin magtayo ng mga karagdagang mga Emergency Quarantine Facilities.

Facebook Comments