Mananatiling epektibo ang COVID-19 alert level sa bansa hanggang sa ipahayag ang mga bagong klasipikasyon.
Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, sinusuri pa rin kasi ng Department of Health (DOH) ang COVID-19 Alert Level System.
Gayunman, magkaroon aniya ng bagong anunsyo ukol sa magiging COVID alert bago mag-Agosto.
“That would be called on by the DOH, so we will have to wait. Anyway, right now, it is status quo. So we’ll maintain the alert levels for now. But the entire process is also continuously under review, so we’ll have to wait” ani Angeles
Matatandaang pinanatili ng Malacañang ang Alert Level 1 noong Hulyo 19 hanggang Hulyo 31.
Habang nauna nang sinabi ng DOH na maaaring makabuo ang departamento ng mga bagong klasipikasyon ng COVID-19 sa ikalawang linggo ng Agosto.