Motor rider, patay matapos bumangga ang sinasakyang motorsiklo sa poste

18
Makato, Aklan – Dead on arrival sa Aklan Provincial Hospital ang isang motor rider matapos na bumangga ang sinasakyan nitong motorsiklo sa poste kagabi sa diversion road Brgy. Calangcang, Makato, Aklan. Ang biktima ay kinilalang si Rodney Tribu Dela Cruz, 30-anyos at residente ng Brgy. Calimbajan sa nasabing bayan. Sa report ng Makato PNP na nag responde sila sa lugar matapos na makatanggap ng tawag na merong nakitang nakalutang na tao sa irigasyon. Pagdating nila sa lugar ay agad na nagsagawa ng imbestigasyon at lumalabas na galing sa bayan ng Lezo ang biktima at papauwi na sana sa Brgy. Calimbajan pero pagdating sa pakubada na bahagi ng kalsada ay nag overshoot ito at bumangga sa poste saka nahulog sa irigasyon ang biktima. Agad naman tinawagan ang Makato MDRRMO at dinala sa hospital ang biktima pero idineklara ito ng doktor na dead on arrival.
Facebook Comments