Kinumpirma ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na as of 4pm ngayong araw, 90 ang panibagong COVID-19 cases sa bansa.
Bunga nito, umaabot na sa 552 ang kaso ng COVID-19 sa bansa
Umakyat naman sa 35 ang mga namatay matapos madagdagan ng dalawa ngayong araw, habang 20 na ang mga gumaling matapos na may makarecover na dalawang pasyente ngayong araw.
Umapela naman ang DOH sa publiko na panatilihin ang social distancing para maiwasan ang pagkalat ng virus at manatili lamang sa loob ng bahay.
Kinumpirma naman ni Usec. Vergeire na bagamat may mga malalaking ospital ang nag-anunsyo na hindi na muna sila tatanggap ng COVID patients, may mga bagong isolation rooms na aniya ang mga ospital ng gobyerno.
Nilinaw din ni Dr. Vergeire na wala pang pag-aaral na ang Coronavirus ay maaaring maka-contaminate sa tubig.