COVID cases sa bansa, mahigit 424,000 na; DFA, nakapagtala ng 19 na bagong kaso sa hanay ng overseas Filipinos

424,297 na ang COVID-19 cases sa bansa.

Ito ay matapos makapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 1,392 na bagong kaso

Ang active cases naman ay 28,789 o 6.8%.0


Karamihan sa mga bagong kaso ay naitala sa Caloocan, Cavite, Laguna, Davao City at Quezon Province.

328 naman ang bagong gumaling kaya ang total recoveries na ay 387,266 o 91.3%.

27 naman ang bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths na ay 8,242 o 1.94%.

Samantala, nakapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng 19 na bagong kaso ng COVID-19 sa hanay ng mga Pinoy sa abroad.

Bunga nito, ang total cases na ay 11,592 at ang aktibong kaso ay 3,262.

4 naman ang bagong naka-recover kaya ang total recoveries na ay 7,496.

Wala namang naitala ang DFA na panibagong Pinoy na binawian ng buhay sa abroad dahil sa COVID-19.

Bunga nito, nananatili ang total deaths sa 834.

Facebook Comments