Mga pulis na naging malala dahil sa COVID-19 makakatanggap ng ₱50,000 na tulong mula sa PNP

Nilinaw ni Philippine National Police (PNP) Chief Pol. Gen. Debold Sinas na ang makakatanggap ng ₱50,000 na tulong pinansyal ay ang mga pulis na naging malala makaraang tamaan ng COVID- 19.

Sa ambush interview sa kanyang pagbisita sa PRO 5, sinabi ni Sinas na nagkaroon lang ng misinterpretation tungkol sa kung sino ang entitled na makatanggap ng tulong pinansyal.

Paliwanag ni Sinas, hindi naman patas na ang mga nag-positibo pero asymptomatic o walang karamdaman ay makatanggap ng halaga na kapareho ng tatanggapin ng mga kasamahan nilang na-ospital na may malaking pagkakagastusan.


Hindi naman aniya ganun kalaki ang gagastusin ng mga asymptomatic dahil kina- quarantine lang ng 14 na araw.

Sinisiguro lang aniya ng PNP na may sapat na pondo sila para sa mga pulis na talagang nangangailangan ng tulong.

Pero tiniyak ni Sinas na makakatanggap pa rin ng tulong ang mga pulis na asymptomatic base sa itinakda ng PNP na minimum at maximum amount depende sa kanilang medical condition.

Facebook Comments