COVID cases sa bansa, pumalo na sa 213,131

77

Umabot na ngayon sa 213,131 ang kabuuang COVID-19 cases sa bansa, ito ay matapos madagdagan ng 3,637 na bagong kaso.

Sa nasabing bilang, 74,611 ang active cases.

655 naman ang bagong gumaling sa sakit kaya ang total recoveries ngayon ay 135,101.

94 naman ang bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths ngayon ay 3,419.

Kinumpirma naman ng Department of Health (DOH) na umaabot na sa halos 2.4 million na indibidwal ang naisailalim nila sa COVID test.

Facebook Comments