Philippine Coast Guard, nagdeploy na rin ng K9 teams sa LRT-1 kasunod ng Sulu bombings

47
Philippine Coast Guard Photo

Tumulong na rin ang Philippine Coast Guard (PCG) sa pagpapatupad ng mas mahigpit na seguridad sa LRT-1 kasunod ng nangyaring suicide bombings sa Jolo, Sulu.

Ayon kay Coast Guard Commandant Admiral George Ursabia Jr., nagdeploy sila ng K9 teams na kinabibilangan ng K9 handlers, working dogs, veterinarians, at explosive ordnance disposal specialists.

Partikular aniyang nakadeploy ang kanilang teams mula Roosevelt hanggang Baclaran stations ng LRT-1.

Kasabay nito, umapela ang Coast Guard sa publiko na maging vigilant sa kanilang mga biyahe.

Una nang ipinag-utos ng Transportation Department sa PCG na tumulong sa pagpapatupad ng mahigpit na seguridad sa mga pampublikong lugar sa Metro Manila kasama na ang mga himpilan ng tren.

Facebook Comments