Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 4,456 bagong kaso ng COVID-19 mula Abril 24 hanggang April 30.
Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw sa nakalipas na linggo ay nasa 637.
Ito ay mas mataas ng 42 percent kumpara sa mga kaso noong Abril 17 hanggang April 23.
Sa mga bagong kaso, 22 sa mga ito ang nasa malubha at kritikal na kalagayan.
Magandang balita naman dahil walang COVID patients na binawian ng buhay na nakalipas na linggo.
Facebook Comments