Lokasyon ng apat na nawawalang indibidwal sa lumubog na yate sa Palawan, hindi pa rin nahahanap

Hindi pa rin nahahanap hanggang sa ngayon ang apat na nawawalang indibidwal sa lumubog na M/Y Dream Keeper sa Tubbatha, Palawan.

Ayon sa Philippine Coast Guard, patuloy ang search and rescue operations sa master diver, dalawang turista at sa may-ari ng lumubog na yate.

Sa interview ng RMN Manila kay PCG Spokesperson Rear Admiral Armand Balilo, sinabi nitong may sampung yate ng mga divers ang tumutulong sa paghahanap ng mga nawawalang indibidwal.


Pinawi naman ni Balilo ang pangamba ng publiko sa nakitang oil sheen o latak ng langis na nakita mula sa pinaglubugan ng barko.

Samantala, lumalabas sa salaysay ng mga nakaligtas na pasahero na biglaang nagkaroon ng pagbabago sa kondisyon ng dagat na nagresulta sa paglubog nito.

Facebook Comments