Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang patuloy na pagbaba ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, mula Oct. 4, hanggang 10, bumaba sa 1,989 ang average kada araw na kaso sa NCR.
Mas mababa aniya ito ng 36% sa 3,126 na average mula Sept. 27, hanggang Oct. 3.
Malayo na rin ito sa peak o rurok ng mga kaso na naitala ng DOH noong Sept. 5, hanggang 11, na umabot sa 5,714.
Kinumpirma rin ng DOH na maging sa buong bansa ay may mabagal din na pagtaas ng kaso ng infection.
Facebook Comments