Cauayan City, Isabela- Umakyat na sa 335 ang naitalang namatay sa COVID-19 sa Nueva Vizcaya, batay sa pinakahuling datos na inilabas ng Provincial Government.
Base sa COVID-19 monitoring update, nanguna sa may pinakamaraming naitalang namatay ang bayan ng Bayombong at Solano, sinundan ng Bambang, Bagabag at Villaverde maging ang Sta. Fe, Dupax del Norte at Kasibu.
Bukod dito, nakapagtala naman ang bayan ng Solano ng may pinakamaraming bilang ng mga nakarekober sa sakit kung saan mayroong 1,755, sunod ang Bayombong na may 1,691 at Bambang na 1, 678.
Samantala, zero cases naman pagdating sa COVID-19 ang bayan ng Alfonso Castañeda habang nakapagtala ang bayan ng dalawang kaso ng pagkamatay at 98 ang nakarekober.
Sa kasalukuyan, nasa 1, 130 na ang kabuuang aktibong kaso ng COVID-19 sa buong lalawigan.