Umaabot na sa 13 barangay sa Lungsod ng Makati ang wala nang naitatalang kaso ng COVID-19.
Sa inilabas na datos ng lokal na pamahalaan ng Makati, walo ay mula sa District 1 na kinabibilangan ng Barangay Carmona, Dasmariñas, Forbes Park, La Paz, Magallanes, San Antonio, Urdaneta at Valenzuela.
Habang ang lima ay ang Barangay Comembo, East Rembo, Guadalupe Viejo, Post Proper Southside at Post Proper Northside na mula naman sa District 2.
Ang Barangay Bel-air naman ang siyang may mataas na kasong naitatala na nasa 7 na sinundan ng Brgy. Poblacion na nasa 5.
Kaugnay nito, pinag-iingat pa rin ng Makati City Local Government Unit (LGU) ang lahat ng kanilang residente lalo na ang mga nagtutungo sa mga matataong lugar tulad ng palengke, pasyalan, pampublikong sasakyan at mga mall.
Hinihimok din ang lahat ng mga residente maging ang mga nagtatrahaho sa lungsod ng Makati na magpaturok na ng booster shots upang maging ligats sa COVID-19 kung saan ikinakasa ang pagbabakuna sa tatlong malls at tatlong health center.