COVID mass testing sa Cainta, Rizal, sisimulan na sa Lunes

Inihayag ni Cainta Rizal Mayor Kit Nieto na sisimulan na ang COVID mass screening ng COVID suspect patients sa lahat ng mga Baranga na nasasakupan ng Cainta, Rizal.

Sa kanyang Facebook page, sinabi ni Mayor Nieto na ang isasalang lamang sa mass COVID testing na nasa barangay ay ang may close contact sa isang pasyenteng na may taglay na COVID-19, at ang mga barangay opisyal ang pupunta sa bahay na hinihinalaang mayroong sintomas na COVID.

Paliwanag ng alkalde mayroong Mobile Kiosk test booth para gawin ang naturang procedure kung saan bitbit nila ang mga Nurses at Med Tech kasama si dating Regional Director at Epidemiologist na ngayon ay Chief Health Officer ng Cainta Health Department na si Dr. Egay Gonzaga para tiyaking tama ang ginagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Cainta, Rizal.


Dagdag ng alkalde kinakailangan magtext ang mga may sintomas ng COVID-19 sa numerong  0961-260-7696 dalawang oras bago ang inyong  schedules,kung saan kinakailangan sa text na ilagay ang pangalan at kumpletong address.

Para sa mga nagtatanong anong gagawin sa kanila ay kukunan sila ng dugo at malalaman nila ang resulta sa loob ng 15 minuto. Pag positive umano sila ay magsasagawa ang Lokal na Pamahalaan ng Cainta ng swab test para sa isang confirmatory procedure.

Malalan pag positive sila pagdating ng One Cainta Health Office, sa mga hindi naman nakatira  sa mga lugar na pagdadausan ng Mass Screening tumawag lamang sa hotline 0961-260-7696 para sa initial screening at ihiwalay nila ang kanilang skedyul  ng test at  pupuntahan pa rin nila  kayo.

Giit ni Mayor Nieto, kung bakit napili ang naturang lugar na pagdadausan ng Mass Screening dahil madaming kaso ang nagpositiobo gaya nalamang sa San Andres, sa 13 pasyente, 9 ang nasa  Greenwoods,sa San Juan naman,  sa 13, pasyente,  3 ang Greenland at 3 ang nasa Saint francis habang ang nasa Sto Domingo, sa 16 na Pasyente, 4 ang nasa Village East at 3 nasa sa Marick,sa San Roque umano  ang sentro at isa lang ang kaso na nagpositibo sa Covid-19 habang ang pinakamarami ang ang Barangay  San isidro, na umaabot sa 22 pasyente, lima ang nasa Filinvest at 5 sa nasa Vista Verde.

Nilinaw ng alkalde na libre ang isasagawang mass testing sa Cainta, Rizal.

Facebook Comments