Bilang ng COVID-19 cases sa Muntinlupa, 2 araw nang nananatili sa 115

Ikinatuwa ni Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi, na dalawang araw nang hindi nadadagdagan ang bilang na nagpopositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa kangyang lungsod.

Batay kasi sa kanilang tala, noong April 17 pa ang huling araw na nagdagdagang ang bilang ng COVID-19 positive sa lungsod, kung saan nasa 115 ito at nananatili ito hanggang ngayong araw.

Bumamaba naman ang bilang ng suspected cases mula 107 noong April 16, ngayon ay nasa 102 na ito.


Subalit, tumaas naman ang bilang ng probabale case mulas sa 94 sa kaparehang araw, tumaas ito sa 147 ngayopng araw.

Nananatili naman sa 14 ang bilang ng mga pasyente na gumaling na sa sakit na dulot ng virus at nananatili rin sa 17 ang bilang ng mga nasawi sa lungsod bunsod ng COVID-19.

Facebook Comments