Nakarekober na ang 15 coronavirus disease 2019 (Covid-19) patients mula sa 23 na total confirmed infections sa Cotabato City
Ayon sa Cotabato City Health Office (CHO) ang naturang bilang ng recoveries ay katumbas ng 68 percent recovery rate.
Ayon sa CHO, isang imang taong gulang na batang lalaki at 30 anyos na lalaki ang mga pinakabagong pasyente.
Nagpalabas na ng direktiba si Cotabato City Mayor Frances Cynthia Guiani-Sayadi kung saan ipagbabawal ang pagpasok sa lungsod ng sino man na walang certificate of acceptance mula barangay officials.
Ayon kay Mayor Sayadi, mas marami sa mga nagpositibo sa Covid-19 ay galing sa ibang lugar.
Ang mga hindi residente ng Cotabato city ay makakapasok sa lungsod subalit kailangan nilang sumailalim sa rapid test para sa Covid-19.
OHS PIC
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>
Covid Patients sa Cotabato City mabilis na nakakarekober!
Facebook Comments