
Inaresto ang isang 19-anyos na lalaking Top 1 Most Wanted sa Urdaneta City kaugnay sa kasong panggagahasa ng menor de edad, matapos siyang masakote sa bisa ng warrant of arrest, gabi ng Pebrero 25, 2026.
Isinagawa ang operasyon sa Barangay Nancamaliran East sa pinagsanib na pwersa ng Pangasinan Police Provincial Office at Urdaneta City Component Police Station.
Ang suspek, na residente ng nasabing lungsod, ay nahaharap sa kasong Qualified Rape of a Minor sa bisa ng warrant of arrest ay inisyu ng Family Court of the First Judicial Region, Branch 16.
Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng suspek.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Urdaneta CPS ang naarestong indibidwal para sa kaukulang dokumentasyon at paghahanda bago iharap sa hukuman.
Ayon sa pulisya, bahagi ito ng pinaigting na kampanya laban sa mga wanted person sa lalawigan ng Pangasinan.
Patuloy naman ang panawagan ng mga awtoridad sa publiko na makipagtulungan sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan sa komunidad.






