COVID response, isyu sa ekonomiya, kahirapan at pagtaas sa presyo ng langis, dapat mabanggit ni PBBM sa SONA ayon kay dating Finance Sec. De Ocampo

Naniniwala ang ekonomista at si dating Finance Secretary Roberto de Ocampo na ilang mga bagay ang dapat na maisama ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., para sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) na nakatakda sa darating na Hulyo 25.

Una binanggit ni De Ocampo ang tungkol sa dapat na nagpapatuloy na COVID response ng pamahalaan at pagtiyak sa healthcare capability ng bansa.

Ikalawa aniya ay ang tungkol sa pagbubukas ng ekonomiya maging ang mga hakbang na dapat gawin kontra sa kahirapan at ang patuloy na pag-akyat ng presyo ng produktong petrolyo.


Sinabi pa ni dating Finance Chief na dapat din maisama sa SONA ni Pangulong Marcos ang plano ng administrasyon sa pagbubuwis na magreresulta ng malaking income sa gobyerno na maaaring gamitin sa pagtulong sa mamamayan.

Maaari rin aniyang palawakin ng pangulo ang mga una ng naipasang batas na may kinalaman sa pagbubuwis gaya ng TRAIN Act at Public Service Act.

Facebook Comments