Bilang ng mga pasyente sa Manila COVID-19 Field Hospital, patuloy na tumataas

42
Photo Courtesy: PNA

Umabot na ng higit sa 200 ang bilang ng mga pasyente na nananatili sa Manila COVID-19 Field Hospital.

Sa datos ng Manila Health Department, nasa 205 na ang mga COVID patient sa nabanggit na hospital.

Sa nasabing bilang, 197 dito ay pawang mga Overseas Filipino Worker (OFW) kung saan 9 dito ay pawang mga residente ng lungsod ng Maynila.


Nasa walong pasyente naman ang hindi mga OFW at lima sa kanila ay pawang mga Manileño.

Dahil dito, nasa 60% na ng kabuuang bilang sa 344 na COVID beds ang okupado sa Manila COVID-19 Field Hospital.

Kaugnay nito, umaabot naman ng 5% ang occupancy rate sa anim na district hospitals sa Maynila na katumbas ng 16 na kama ang okupado mula sa 353 na COVID-19 bed na inilaan ng lokal na pamahalaan.



Facebook Comments