Hinikayat ni Vice President Leni Robredo ang publiko na magpabakuna laban sa COVID-19 lalo na at inaasahang darating ang mga bakuna sa mga susunod na araw.
Pagtitiyak ni Robredo na ligtas at libre ang COVID-19 vaccines.
Paliwanag ni Robredo na mayroong apat na uri ng COVID-19 vaccines, wala dito ang gagamit ng buhay o mahinang bersyon ng virus.
Layunin aniya ng bakuna ay mapalakas ang immune response kapag natyempuhan ng katawan ng ao ang totoong virus.
Ang pamahalaan ay naglaan ng ₱82.5 billion para sa vaccination program at sapat na aniya ito.
Paalala ni Robredo sa lahat na manatili pa ring magsuot ng mask, sundin ang social distancing at maghugas ng kamay kahit nabakunahan na.
Facebook Comments