Cow Dung Cake Battle – isinagawa sa India

India – Isang Cow Dung Cake Battle o batuhan ng mga dumi ng baka ang inilunsad ng mga residente ng Kairuppala sa India.

Ang tradisyon ay taon-taon nang ginagawa sa lugar sa paniniwalang makapagbibigay ito sa kanila ng malusog na pangangatawan at kaunlaran sa buhay.

Sa nasabing tradisyon, libu-libong deboto ang maghahati sa dalawang grupo, isa sa panig ng Hindu god Shiva na si Veerabhadra Swamy at isa naman kay goddess Bhadrakhali.


Sa loob ng kalahating oras, wala silang ibang gagawin kundi ang magbatuhan ng dumi ng baka.

Sabi ng mga residente sa lugar, nagkakasakitan man, masaya pa rin naman daw ang ending ng naturang selebrasyon.

Facebook Comments