CPP, bukas din sa peace talks sa pamahalaan

Tinanggap nang Communist Party of the Philippines (CPP) ang posibilidad ng pagbuhay sa peace talk.

Ito ay kahit pa tuloy ang plano ng CPP na ibagsak ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay CPP founding Chairman Jose Maria Sison, ang sambayanan rin naman ang makikinabang kapag natuloy ang resumption ng usapang pangkapayapaan.


Pero, paglilinaw ni Sison, kahit tuloy ang kanilang word war ni Duterte, tanggap ng kanilang grupo ang naging pahayag ng Pangulo na hindi dapat isara ng tuluyan ang negosasyon sa magkabilang grupo.

Sa kabila nito ay patuloy pa rin ang panawagan ni Sison sa kanilang mga tagasuporta na ituloy ang pagpapatalsik sa pwesto kay Duterte.

Bukod sa pananatili ng banta ng nationwide martial law, sinabi ni Sison na plano rin ang pamahalaan na dayain ang halalan sa 2019.

Ang Pangulo mismo ang namumuno sa nasabing Special Task Force na binuo noong nakaraang buwan ng Nobyermbre.

Facebook Comments