Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na nakararanas ng dementia si Communist Party of the Philippines (CPP) Founder Jose Maria Sison.
Sa kanyang talumpati sa Tacloban, Leyte – kinuwestyon ng Pangulo ang health condition ni Sison dahil hindi niya mabasa ang utak ni Sison.
Aniya, pabago-bago ng paksa ang communist leader kaya nagdesisyon siyang huwag nang ituloy ang usapang pangkapayapaan.
Nagpakita siya ng sinseridad sa rebeldeng grupo sa pamamagitan ng pagpapalaya sa ilan sa mga leader nito kabilang ang mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon.
Muling iginiit ng Pangulo na patay na ang ideyolohiya ng mga komunista at wala naman itong nakamit.
Binanatan din ni Pangulong Duterte ang mga rebeldeng komunista dahil sa pangingikil nito.
Ang mga unang biktima ng communist movement ay mga mahihirap na Pilipino na sinasabing ipinaglalaban at pinoprotektahan nila.
Nabatid na tinapos ng pamahalaan ang peace negotiations sa mga rebeldeng komunista noong 2017 dahil sa mga atraso nito sa government forces at sa buhay at ari-arian ng mga inosentang mamamayan.