Hindi dapat itinuturing na Political Refugee si Communist Party of the Philippines (CPP) Founder Jose Maria Sison.
Ito ang panawagan ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Dutch Government na ipa-deport si Sison pabalik sa Pilipinas para humarap sa paglilitis kaugnay ng inopacan massacre sa Leyte noong 2006.
Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, si Sison ay isang kriminal at dapat lang na mapanagot sa mga krimeng ginawa nito.
Ipinupursige ng pamahalaan ang extradition ni Sison matapos maglabas ang Manila Court ng Warrant of Arrest laban sa kanya at 32 iba pang communist leaders.
Humingi na ng tulong ang PNP sa interpol para maaresto si Sison na nagkukubli sa the Netherlands.
Facebook Comments