Itinuturo ng Dept. of Interior and Local Government (DILG) si Communist Party of the Philippines (CPP) Founder Jose Maria Sison na responsable sa nangyaring pagsabog sa Borongan City, Easter Samar.
Nabatid na isang improvised explosive device ang sumabog na ikinasawi ng dalawang katao at ikinasugat ng higit 10 iba pa sa Barangay Libuton.
Paniniwala ng Militar na ang New Peoples’ Army (NPA) ang nasa likod ng pag-atake.
Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, si Sison ay may kinalaman sa insidente.
Pinapatunayan lamang nito na ang grupo ni Sison ay mga terorista.
Dapat aniyang mapanagot sa ginawang pagtataksil sa taumbayan si Sison at kanyang grupo para sa pagkasa ng naturang pag-atake.
Nanawagan si Año sa Commission on Human Rights (CHR) na makitang guilty ang Communist Terrorist sa Crimes Against Humanity.
Una nang kindonena ng CHR ang pag-atake na sinasabing paglabag sa International Humanitarian Law at magsasagawa ng hiwalay na imbestigasyon sa insidente.